Calendar

Nawawalang bebot natagpuang naaagnas na
NAAAGNAS at nasa loob ng maleta na nakalutang sa ilog sa San Jose del Monte City, Bulacan ang 16-anyos na batang babae sa Caloocan na napabalitang nawawala mula pa noong Pebrero 7.
Natagpuan ang bangkay ng biktimang si Sheila Mae Dela Cruz, ng Tala, Caloocan, na nakasiksik sa loob ng maleta na lumulutang sa Sapang Alat River, Pleasant View Residences, Brgy. Graceville sa San Jose del Monte City, ayon sa police report.
Sa ulat kay Police Regional Office (PRO)-3 director Brig. Gen Jean Fajardo, iniulat na nawawala ng kanyang pamilya noong Pebrero 7 at huling nakitang buhay nang pumunta sa bahay ng kanyang kaibigan.
Bago ang makita ang kalunus-lunos na katawan ng biktima, isang residente ang nagreklamo ng mabahong amoy na nagmumula sa bahagyang nakabukas na bagahe na lumulutang sa ilog.
Ayon sa mga awtoridad, malamanag na inanod mula sa Caloocan City river patungo sa katabing Sapang Alat River sa San Jose del Monte City ang maleta.
Natukoy na rin daw ng mga awtoridad ang mga taong posibleng may kinalaman sa karumal-dumal na krimen.