NCRPO

NCRPO kumikilos upang POGO hubs di muling sumulpot

Edd Reyes Oct 7, 2026
92 Views

MAAGAP at may gabay na impormasyo ang isasagawang pagkilos ng lahat ng kapulisan sa Metro Manila upang maiwasan ang pagsulpot muli ng operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).

Sa inilabas na kautusan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Officer-in-Charge P/BGen. Christopher Abrahano, kailangang tukuyin at beripikahin ng kapulisan ang mga impormasyon hinggil sa mga establisimyento at lokasyon na maaaring ginagamit bilang mga “guerrilla-style” na POGO hubs, ilegal na online gambling, cyber fraud, love scams at iba pang mga modus na gumagamit ng online relationships o pekeng pagkakakilanlan upang manlinlang ng mga biktima at makakuha ng pera.

Inaatasan din ang lahat ng district directors, chiefs of police, at unit commanders sa Metro Manila na makipag-ugnayan sa PNP Anti-Cybercrime Group (ACG), Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), at iba pang mga kinauukulang ahensiya para sa nararapat na aksyon.

“We will not wait for these criminal groups to become established before we act. Our police units must strengthen their intelligence networks, identify emerging threats, and act promptly on validated information, always within the bounds of law and due process,” ani PBGen. Abrahano .

Nanawagan din ang NCRPO chief sa publiko, mga stablisimiyentong pang-negosyo, may ari ng ari-arian, at mga lider ng komunidad na manatiling mapagmatyag at agad ireport ang anumang kahina-hinalang aktibidad na maaaring indikasyon ng presensya ng ilegal na online gambling, cyber-fraud operations, o iba pang kriminal na gawain.

“Public safety does not stop at the physical streets of Metro Manila. It extends to the digital space. We will remain vigilant in both,” tiniyak pa ni PBGen. Abrahano.