Calendar

NE crimes nabawasan
CABANATUAN CITY–Naitala ng Nueva Ecija police, sa pangunguna ni Col. Ferdinand Germino, hepe ng pulisya, ang pagbaba sa walong focus crime incidents mula Enero hanggang Mayo kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Mula sa 251 na naiulat na mga kaso noong 2024, ang pinakahuling bilang bumaba sa 210 ngayong 2025 o may pagbawas na 41 insidente.
Sinabi ni Germino na ang walong focus crimes na ito na nagtala ng mas mababang insidente sa panahon ng kanyang panunungkulan kinabibilangan ng ng murder, homicide, rape, physical injury at crimes against property– robbery, theft, carnapping at motornapping.
Iniugnay ng opisyal ng pulisya ang positibong kalakaran na ito sa pinaigting na presensya ng pulisya ng NEPPO, karagdagang visibility operations at ang sistematikong paglulunsad ng mga hakbangin sa pagpigil sa krimen simula sa mga komunidad.
“Higit pa sa mga numero ay ang mga intangibles—mga krimen na napigilan sa pamamagitan ng maagap na pagpupulis, mga estratehikong interbensyon, at pagbabantay ng komunidad,” giit ni Germino.