Shabu Isinalaysay ni PBGen. Arnold Thomas Ibay ang naging operasyon ng kanyang mga tauhan na nagresulta sa pag-aresto sa mga suspek na tulak at nasamsam ang mahigit P2 milyong halaga ng shabu. JONJON C. REYES

NegOc cops humataw; P2M shabu sinamsam

Jon-jon Reyes Oct 18, 2025
244 Views

AABOT sa halos P2 milyong shabu ang nasabat ng mga operatiba ng Bacolod at Negros Occidental police sa tatlong suspek na tulak kamakailan.

Sa report kay Police Brig. General Arnold Thomas Ibay, director ng Negros Island Region police, bandang alas-9:45 ng gabi naaresto ang unang suspek na si alyas Marvin, 29, at nakuha sa kanya ang 54 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P367,200.

Makalipas ang ilang oras, nalambat ng mga operatiba ng Bacolod City police ang dalawang lalaki sa Purok Mag-tiayon, Brgy. 10, Bacolod City.

Nakilala ang mga natiklo na sina alyas Gresil, 44; at Bonnie, 43. Humigit-kumulang 230 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga sa P1,564,000 ang nakuha sa dalawa.

Nahuli ang dalawa nina P/Lt. Col. Antonio Benites at P/Lt. Richard Legada, Asst Chief. Kasong paglabag RA 9165 ang isasampa sa lahat ng mga nahuling pinaghihinalaang tulak.

Nagpasalamat si P/BGen. Ibay sa kanyang mga tauhan sa mapayapang operasyon laban sa mga nahuling suspek.