Vic Reyes

Nepomuceno: Kailangang tiyakin na walang droga na makakapasok sa bansa

Vic Reyes Oct 14, 2026
47 Views

MALIGAYANG araw sa lahat ng ating tagasubaybay, lalo na sa mga kabayan natin dyan sa Japan.

Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.

Binabati natin sina Ma. Theresa Yasuki, Patricia Coronel, La Dy Pinky,

Mama Aki ng Ihawan, Glenn Raganas, Endo Yumi, Roana San Jose, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Josie Gelo, Hiroki Hayashi, at Hiroshi Katsumata.

Ganun din kina Joann de Guzman at mga kasama niya sa Oman; Nida Reyes, Dolores Monfero at Delia Sunga ng Saudi Arabia.

God bless sa inyong lahat!

***

Hindi lang pala si Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang nakakapansin sa magagandang ginagawa ng Bureau of Customs (BOC) na pinamumunuan ni Commissioner Ariel F. Nepomuceno.

Lalo na sa paglaban sa agricultural smuggling na nagpapahirap sa ating mga maliliit na magsasaka at mangingisda sa buong bansa.

Talagang pahirap sa mga magsasaka, mangingisda at kanilang mga pamilya ang pagbaha sa merkado ng mga kontrabando.

Pinuri naman ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan ang mabilis na aksyon ng BOC, Department of Agriculture at Philippine Navy matapos na maharang ang dalawang barkong may dalang 20,000 metric tons ng bigas.

Galing ng Vietnam, ang naharang na bigas ay may mga kuwestiyonableng dokumento at kinanselang sanitary at phytosanitary permits.

Ang unang barko, MV Tay Son 2, na may lulang 12,500 metric tons na bigas ay naharang September 17 sa Davao City.

Ang pangalawang vessel, MV Lucky Star, ay may kargang 7,500 metric tons na bigas.

Sa isang sesyon ng Senado, pinasalamatan ni Pangilinan, chairman ng Senate committee on agriculture, ang BOC, DA at PN.

Ang mabilis na aksyon at pagtutulungan ng tatlong ahensya ay napigilan ang posibleng ismagling ng bigas.

“We are thankful na sila mismo ang on top of the situation,” sabi ni Senador Kiko na ang tinutukoy niya ay sina Commissioner Nepomuceno at Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel.

Sinabi ni Nepomuceno, isa sa paboritong anak ng Malabon City, na hindi titigil ang BOC sa mahigpit na pagbabantay sa mga pantalan.

Of course naman sa tulong ng partner-agencies ng BOC na kinabibilangan ng DA, PCG, PN, PNP at local government units.

Ang pagkakasakote sa 20,000 metric tons na bigas ay alinsunod sa kautusan ni Pangulong Marcos na paigtingin ang kampanya laban sa agricultural smuggling.

“Hindi natin hahayaang samantalahin ng mga ismagler ang ating mga pantalan para gumawa ng iligal,” dagdag ni Nepomuceno.

Tama ka dyan, Comm. Ariel!

***

Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang iba’t ibang illegal drugs.

Ang mga hinihinalang droga ay nakapaloob sa walong abandonadong parcel.

Nagkakahalaga ng P43.76 milyon, ang mga droga ay kinabibilangan ng shabu, cocaine, ecstay, marijuana at ketamine.

Ang mga kontrabando ay galing ng Mexico, Canada, India, United Kingdom, Thailand, Malaysia at Belgium.

Nakatago sa mga lalagyan ng pagkain, sandals, bubble-maker toys at laruang washing machine, ang mga droga ay nakatakdang dalhin sa ibat ibang parte ng bansa.

Nadiskubre ang mga droga sa isang interdiction operation saPasay City noong Oktubre 9.

Sinabi ni Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno na “kailangan nating tiyakin na walang iligal na droga na makakapasok sa ating bansa.”

(Para da inyong komento at pagbati, mag-textsa #0917-8624484.)