Vic Reyes

Nepomuceno todo alalay, malasakit sa mga OFWs

Vic Reyes Sep 9, 2026
129 Views

MAGANDANG araw sa lahat ng ating mambabasa.

Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.

Binabati rin natin ang ating mga kababayan sa Japan na sina

Ma. Theresa Yasuki, Patricia Coronel, Roana San Jose, Yoshiko Katsumata, Tata Yap Yamazaki, Mama Aki, La Dy Pinky, Endo Yumi, Lorna Pangan Tadokoro, Winger dela Cruz, Hiroki Hayashi, at Hiroshi Katsumata.

Ganun din kay Joanne de Guzman at iba pang OFW natin sa Oman.

***

Sa kabila ng masamang panahon na nagresulta sa mga work suspensions, nananatiling naka-focus ang atensyon ng mga taga-Bureau of Customs (BOC) sa kanilang mga trabaho.

Ito ang revenue collection, modernization program, anti-smuggling campaign, anti-corruption drive at iba pang programa.

Sa larangan ng pangongolekta ng buwis, taripa at iba pang bayarin, patuloy ang pamamayagpag ng BOC sa pamumuno ni Commissioner Ariel F. Nepomuceno.

Sa katunayan, umabot na ng tumataginting na P664.78 bilyon ang total koleksyon ng ahensya sa taong ito.

Ito ang nakolekta ng 17 collection districts ng BOC sa buong bansa mula Enero hanggang Agosto.

Ang target collection sa nasabing eight-month period ay P659.31 bilyon lamang, ayon sa pahayag ng ahensya.

Ayon pa kay Commissioner Nepomuceno, “This year’s performance reflects the commitment of our people to deliver, even in the face of challenges.”

Ang mga work suspensions dahil sa masamang panahon ay hindi naging hadlang para ma-distract ang attention ng mga taga-BOC sa kanilang misyon.

Ang magandang performance ng men and women in customs uniform ay nagpapatunay ng kanilang “hard work and dedication as well as the continued trust and cooperation of our partner industries and stakeholders.”

Sa taong ito ay naatasan ng gobyerno ang BOC na mangolekta ng Isang trilyong piso. Sa nalalabing apat na buwan, inaasahang mahihigitan ng BOC ang kanilang collection target sa taong ito.

***

Todo ang pag-alalay at malasakit na ipinapakita ni Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno sa ating mga overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang mga pamilya sa bansa.

Para kay Nepomuceno, Hindi natin dapat kalimutan na ang OFWs ay kabilang sa tinatawag na “modern-day heroes.”

Ang kanilang dollar remittances ay malaking tulong para lumago ang ating “still struggling local economy.”

Kaya tama lang ang ginagawang pakikipagtulungan ng BOC sa Commission on Filipino Overseas (CFO) para mapangalagaan ang kapakanan ng mga kababayan nating nasa labas ng bansa.

Ito ay nakapaloob sa isang Memorandum of Agreement (MOA) na pinirmahan nina Commissioner Nepomuceno at CFO Chairman Dante Francis Ang II noong Martes.

Ang makasaysayang MOA “outlines the two agencies’ joint efforts to overseas Filipinos to better understand customs rules and requirements when sending balikbayan boxes and other shipments to the Philippines.”

(Para sa komento at pagbati, mag-text sa #0917-8624484/email: philipreyes08@yahoo.com.)