Vic Reyes

Nepomuceno pinuri kapulisan.sa kontribusyon sa laban vs smuggling

Vic Reyes Sep 13, 2026
130 Views

MAGANDANG araw sa lahat ng ating mga suki, lalo na sa mga kababayan natin sa Japan at iba pang panig ng daigdig.

Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.

Binabati natin sina Ma. Theresa Yasuki, Roana San Jose, Endo Yumi, Patricia, Coronel, Mama Aki ng Ihawan, Glenn Raganas, La Dy Pinky, , Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Josie Gelo, Hiroki Hayashi, at Hiroshi Katsumata.

Binabati rin natin si Joann de Guzman ng Oman; Angelo Diaz, Dolores Monfero, Delia Sunga ng Saudi Arabia.

***

Ang paglaban sa ating mga problema, malaki man o maliliit, ay nangangailangan ng pagtutulungan ng lahat ng sektor.

Hindi kaya ng isang ahensya ng gobyerno na ayusin ang kanyang mga problema na walang tulong ang partner-agencies.

Lalo na ang Bureau of Customs (BOC) na pinamumunuan ni Commissioner Ariel F. Nepomuceno ng Malabon City.

Sa paglaban sa ismagling ay kritikal ang papel ng law enforcement agencies sa pangunguna ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ang PNP at AFP ay may sapat na manpower at material resources para matulungan ang BOC na sugpuin ang ismagling sa buong bansa.

Alam naman natin ang masamang epekto ng pagbaha ng smuggled goods sa ating ekonomiya, magsasaka at mangingisda.

Sa isang pahayag, pinuri ni Commissioner Nepomuceno ang PNP dahil sa pagkakasabat ng 15 container trucks na punong-puno ng mga kontrabandong sigarilyo.

Ang mga kontrabando, na nagkakahalaga ng P960 milyon ay na-intercept ng PNP elements sa Bataan at Pampanga.

“Malaking bagay ang kontribusyon ng ating kapulisan sa ating kampanya laban sa smuggling,” ani Commissioner Nepomuceno.

Habang binabantayan ng mga taga-BOC ang mga pantalan at hangganan, ang mga pulis naman ay abala sa pagbantay sa komunidad at pribadong pantalan.

Sa isa pang pakayag,

PInasalamatan naman ni Commissioner Nepomuceno ang Naval Command Western Mindanao (NCWM) dahil sa patuloy na pagbabantay sa ating mga karagatan.

Ang papuri sa NCWM ay ipinarating ni Commissioner Nepomuceno kay Rear Admiral Constancio Arturo Reyes Jr.

Mula Agosto 28 hanggang Setyembre 3 ay nagsagawa ang NCWM ng maritime enforcement operations.

Ang operasyon ay nagresulta sa pagkakasakote ng iba’t ibang kontrabando na nagkakahalaga ng P99.65 milyon.

Ang mga kontrabando ay kinabibilangan ng undocumented diesel fuel, sigarilyo at Lauan lumber.

Kinumpiska rin ng mga taga-NCWM ang isang motor vessel na nagkakahalaga ng P27.23 milyon.

“Ang patuloy ninyong pagbabantay sa ating mga karagatan ay mahalaga sa pagpapanatili ng seguridad at kaayusan sa ating maritime domain,” ayon kay Nepomuceno.

***

Marami sa ating mga kababayan ang nahihirapan dahil sa malawakang pagbaha dulot ng masamang panahon.

Nasira ang mga ari-arian, bahay, tulay pati na ang pananim ng mga magsasaka sa Luzon.

Hindi biro ang ilang linggong tuloy-tuloy na pag-ulan dahil sa habagat o southwest monsoon na pinalala pa ng sunod-sunod na bagyo at low pressure areas.

Maging ang pasok sa mga paaralan at trabaho ay apektado.

Pero sa paghina ng habagat, inaasahang gaganda na ang panahon bago matapos ang buwan ng Setyembre.

Ang nakakatakot paglipas ng tag-ulan ay ang tagtuyot sa maraming parte ng bansa kaugnay sa paglala ng El Nino phenomenon.

Kaya ito ngayon ang pinaghahandaan ng gobyerno, ang paparating na tagtuyot.

(Para sa inyong komento at pagbati, mag-text sa #0917-8624484)