TNVS

No smoking, no vaping sa mga TNVS suportado ng MMDA

Edd Reyes Nov 15, 2025
252 Views

SUPORTADO ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang panawagang gawing 100% na smoke at vape-free ang lahat ng Transport Network Vehicle Services (TNVS).

Inihayag ang panawagan sa memorandum circular ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nag-aatas sa lahat ng pampublikong sasakyan na mag-display ng “No Smoking” and “No Vaping” signages sa loob ng mga sasakyan at terminal.

Ang hindi tatalima sa kautusan ng LTFRB ay pagmumultahin ng hanggang P15,000 at kanselasyon ng Certificate of Public Convenience (CPC).

“Protecting the health of the people is a priority. Public transportation must be free from toxic substances which can harm the people,” pahayag ni MMDA Chairman Atty. Don Artes.

Ayon naman kay DOH Regional Director Lester Tan, sa pamamagitan ng naturang inisyatiba, mapapangalagaan ng gobyerno ang karapatan ng mga pasahero at kanilang pamilya na makalanghap ng malinis na hangin.