Leni Robredo

NPA at hakot crow nasa Bacolod, Isabela rally ni Leni

Nelo Javier Mar 13, 2022
295 Views

BUKOD sa Cavite at Bulacan, sinasabing mga hakot crowd at mga rebeldeng New People’s Army (NPA) rin ang nagparami sa campaign sortie ni Leni Robredo sa Bacolod at Isabela para magmukhang puno ang mga venue nito.

Kung matatandaan, inakusahan si Robredo ng kanyang katunggali na si Sen. Panfilo Lacson ng pakikipag-alyansa nito sa NPA na balak guluhin ang halalan kung sakaling matalo siya.

Itinanggi na ito ni Robredo.

Nito namang Sabado ng gabi, kinumpirma ni Pres. Rodrigo Duterte sa kanyang panayam sa SMNI na may natanggap siyang intelligence report ukol sa alyansang Robredo at NPA.

“Iyan ang worry ko, sinabi ko na pwedeng manggulo ng elections — kasi may working relationship na sila ( Leni at NPA),” ayon sa pangulo.

Inakusahan din ang kampo ni Robredo na sadyang nagdadala ng mga hakot crowd para pamparami sa kanilang mga campaign sortie gamit ang mga dump truck at bus.

Ganun ang ginawa ng kampo ni Leni sa Bulacan at Cavite maging sa Bacolod, hakot din ang mga tao mula sa Iloilo ang isinama sa kampanya sakay ng pampasaherong barko na sinagot nila ang gastos.

Sinasabi rin na binayaran ng P500 kada tao ang mga sumasama sa kampanya ni Leni.

Pinatunayan naman Ito ng Ilang mga netizen sa mga post sa Tiktok at iba pang social media platform ang tungkol sa pagbibigay ng bayad at paghahakot ng mga tao.

Ayon sa post ng isang netizen na si Gian Cris Almanda, ipinakita niya ang larawan ng mga hinakot na tao habang nakasakay sa barko papuntang Bacolod galing Iloilo.

Pero pangamba ng Ilang political observer, karamihan daw sa mga hakot ay mga kabataan at menor de edad na posibleng mapahamak kung sakaling magkaroon ng kaguluhan.

Tila nakumpirma naman ang alyansa ng NPA at kampo ni Leni matapos makita ang presensya ng ilang myembro ng NPA at mga taga-suporta nito sa kanilang campaign rally sa Isabela.

Ayon sa grupo na nagpakilalang Save Our School Network, nananawagan umano ang mga kilalang NPA para sa hustisya sa pagkamatay ni Chad Booc, isang miyembro ng NPA na kasama sa limang namatay sa engkwentro sa pagitan ng militar nitong nakaraang buwan sa Purok-8, Barangay Andap, New Bataan, Davao de Oro.

Ang mga sinasabing myembro at taga-suporta ng NPA ay nagpakita ng suporta kay Robredo habang sumisigaw ng “hustisya” sa campaign rally.

Makikita rin na binasa pa at pinansin ng katambal ni Leni na si Kiko Pangilinan ang placard ng grupo na nangsasabing “Justice for Chad Booc”.

Nanawagan din si Kiko na “unite for the New Bataan 5 and all victims of state sponsored killings.”

Ang naturang insidente ay nagkumpirma sa alegasyon ni Lacson, dating NPA cadre Jeffrey “Ka Eric “ Celis at maging si Cavite Cong. Boying Remulla na mayroong alyansa ang grupo ni Robredo sa makakaliwang grupong NPA.