Ogie diaz

Ogie Diaz naloka sa unfollow-an nina ‘bagets, ate’

151 Views

NAGBIGAY reaksyon ang comedian-actor at entertainment reporter na si Ogie Diaz sa nangyaring pag-unfollow ng isang “bagets” sa isang “ate.”

Sa kanyang X account, naloka at napatanong pa si Ogie kung ano nang nangyayari.

“So nag-unfollow na din pala si bagets ke ate. Kalokah! Ano na ba nangyayari?” sey ng comedian-actor.

Hindi man nagbanggit ng pangalan si Ogie pero nito lamang ay napansin ng mga netizens ang pag-unfollow ng aktres na si Andrea Brillantes sa ‘A Very Good Girl’ star na si Kathryn Bernardo sa social media platform na Instagram.

Kamakailan ay nauna nang in-unfollow ni Kathryn si Andrea sa nasabing social media platform.

Matatandaang si Ogie mismo ang nagbalita sa kanyang online show patungkol sa tsikang nasagap niya na pinagseselosan umano ni Kathryn si Andrea at pasikreto pa raw na nagkikita ang ‘Senior High’ star at si Daniel.

“Ang pinagselosan ni Kathryn ay si Andrea Brillantes. Na may nag-chika pa sa akin na nagkikita ng lihim o pasikretong nagkikita si Daniel at si Andrea…” pahayag ng comedian-actor.

Isiniwalat din ni Ogie na ayon din sa kanyang source na tila may pagka-allergic umano ni Kathryn na makasama sa kahit anong proyekto si Andrea.

“May nagchika nga sa akin, pustahan daw kami, hindi papayag si Kathryn Bernardo na makasama sa isang pelikula si Andrea Brillantes,” wika ni Ogie.

Ang naging dahilan daw umano ni Kathryn ay ang pagka-link ni Andrea at ng kanyang nobyo na si Daniel Padilla, na siyang naging dahilan umano ng tampuhan ng dalawa.

Ilang netizens ang nag-react naman sa X post ni Ogie.

“Malapit ka na masabitan ng medalya. Nasa exciting part na tayo hahaha.”

“Naku mama ogs dame pa namang nambash sayo nung nakaraan.”

“Nagtrend ka pa nuong nakaraan, mukhang totoo naman pala.”

“Eventually lalabas din naman ang totoo. Time is really the ultimate truth teller.”

“Palaban si bagets!”