Chito Larawan mula sa IG/@chitomirandajr

Libro ni Neri bumenta; Chito sobrang saya

68 Views

LABIS ang pasasalamat ng Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda sa mga sumuporta sa libro ng kanyang asawa at aktres na si Neri Naig.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Chito ang isang larawan sa naganap na book signing ng kanyang asawa.

“Salamat sa lahat bumili ng libro ni Neri! Grabe kayo!!!” sey ng singer-songwriter sa caption ng post.

Kuwento ni Chito, kinakabahan daw sila sa pag-aakalang walang bibili ng libro ni Neri.

“Nung una, kinakabahan pa si Neri kasi akala nya walang bibili. Tapos nung tinawag na kami para umakyat ng stage, sabi nung isang sales lady, sobrang dami na daw nilang nabenta na libro. Kinailangan na daw nila mag-restock kasi naubos daw yung nasa shelf,” sey ng Parokya ni Edgar frontman.

Laking gulat daw ng kanyang asawa at pinilahan ang kanilang book signing.

“Pagtingin nya, sobrang daming nakapila tapos yung iba, pa-sampu sampu kung bumili ng libro kasi ipan-reregalo daw nila (max of 10 books lang daw kasi pwede per tao), tapos may mga pamilya, lalake, halo halo talaga. Sobrang nakakatuwa!” kuwento ni Chito.

“Sobrang saya ko talaga for Neri. Congrats, asawa kooo!!! I’m so proud of you,” dagdag pa niya.