Diego Larawan mula sa IG/@diegoloyzaga

Diego Loyzaga ayaw iparanas sa anak naramdaman kay Cesar Montano

90 Views

INIHAYAG ng aktor na si Diego Loyzaga na hindi niya itutulad sa mga naramdaman niya noon ang ipararanas niya sa kanyang anak ngayong isa na siyang ganap na ama.

Sa panayam kasama ang Tv host-actress na si Toni Gonzaga, napag-usapan nila ng aktor ang kanyang mga karanasan bilang isang tatay sa kanyang five-month old baby girl.

Sey ni Diego ay marami raw siyang natutunan nang dumating ang anak niya sa kanya.

Nangako ang aktor na gagabayan at susuportahan niya ang anak sa mga gugustuhin nito sa buhay.

“‘Di ko paparamdam sa anak ko ‘yung naramdaman ko. When I was growing up, I never really thought that I was looking for a father figure. But as I got old, I realized that ah, ‘yun pala ‘yung kulang,” wika ni Diego.

“There’s sometimes like a question mark how I should do things, my character, what I really want. I guess you picked it up from the dad,” pagpapatuloy niya.

“And I wanna be there for my daughter. I want her to, o eto ang mga hobbies ko. If you like these, try what I do. Whatever you do, you like, I’ll support you,” dagdag pa ng aktor.

Ang mga magulang ni Diego ay ang aktor at aktres na sina Cesar Montano at Teresa Loyzaga.

Sa Australia lumaki si Diego kasama ang kanyang ina dahilan para maging long-distance ang ugnayan nila ni Cesar.