rurumadrid8 Larawan mula sa IG/@rurumadrid8

Ruru kay Bianca: ‘Ipagmamalaki kita habang buhay’

90 Views

SOBRANG proud ang aktor na si Ruru Madrid sa kanyang nobya, ang aktres na si Bianca Umali sa pagganap nito sa bagong telefantasya na “Encantadia Chronicles: Sang’gre.”

Sa kanyang Instagram account nitong Martes, Nobyembre 21, ibinahagi ng ‘Black Rider’ star ang teaser video ng nasabing serye kung saan gaganap ang kanyang girlfriend bilang si Sang’gre Terra.

“Avisala sa bagong tagapangalaga ng brilyante ng Lupa,” sey ni Ruru sa caption ng kanyang post.

Pahayag pa ng aktor na sobrang proud siya sa dedikasyon ni Bianca bilang aktres.

“Im so proud of you, My love.. Ipagmamalaki kita habang buhay dahil sa husay at dedikasyon mo sa trabaho. Siguradong marami pa ang hahanga sayo sa proyekto na ito dahil alam ko kung gaano mo ito pinaghandaan,” wika ni Ruru.

“Gulatin mo silang lahat Sang’gre Terra, Agtu!” dagdag pa niya.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Bianca sa pagiging sweet at supportive ni Ruru sa kanyang bagong proyekto.

“Maraming salamat, mahal ko. I will make you more proud!” pahayag ng aktres.