BOC

P2.45M smuggled na sigarilyo nakumpiska ng BOC

134 Views

NAKUMPISKA ng Bureau of Customs (BOC) ang tinatayang P2.45 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo sa Davao City.

Naharang umano ng mga tauhan ng BOC-Port of Davao, Armed Forces of the Philippines, at Philippine National Police ang isang Hyundai Porter Freezer Van kung saan nakatago ang 4,250 ream ng sigarilyo sa Sirawan, Toril, Davao City noong Oktobre 31.

Ang mga nakumpiskang sigarilyo ay nasa kustodiya ng BOC.