Calendar

Nation
P205M jackpot ng GrandLotto hindi tinamaan
Peoples Taliba Editor
Jun 16, 2022
309
Views
WALANG tumama sa P205 milyong jackpot prize ng GrandLotto 6/55 na binola Miyerkoles ng gabi, Hunyo 15.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) walang nakakuha sa winning number combination na 09-13-41-36-49-45.
Samantala nanalo naman ng tig-P100,000 ang limang mananaya na nakakuha ng lima sa anim na lumabas na numero.
Tig-P1,500 naman ang tinamaan ng 842 mananaya na nakaapat na numero at tig-P60 ang premyo ng 20,908 mananaya na nakatatlong numero.
Sa Sabado muli bobolahin ang GrandLotto 6/55.