Binatilyo, 15, sinaksak sa leeg ng cutter ng
Jul 15, 2026
Calendar
Nation
SC Justice Singh nagpositibo sa COVID-19
Hector Lawas
Jun 17, 2022
506
Views
NAGPOSITIBO sa COVID-19 si Supreme Court Associate Justice Maria Filomena Singh.
Ayon sa SC si Singh ay mayroong mild symptoms. Siya ay bakunado umano laban sa COVID-19 at mayroon ng booster shot.
Magtatrabaho naman umano si Singh habang naka-isolate alinsunod sa guidelines ng Inter Agency Task Force.
Ang mga nakasama ni Singh sa Court Deliberations Session noong Martes ay nag-self quarantine na at magpapa-test matapos ang incubation period mula ng ma-expose. Wala umano sa mga ito ang nakitaan ng sintomas.

