Calendar
Provincial
P267K na droga nasamsam sa 17 suspek na tulak
Steve A. Gosuico
Jun 16, 2026
354
Views
CAMP GEN. MARIANO N. LLANERA, Cabanatuan City–Nasakote ang 17 hinihinalang tulak sa lalawigang ito at nakumpiska ang P267,820 na halaga ng shabu at marijuana.
Ikinasa ang buy-bust sa Gapan City, Science City of Muñoz, General Tinio, Carranglan, Llanera at Guimba.
Nagresulta ang operasyon sa pagsamsam ng 43.83 gramo ng pinagsamang shabu at marijuana na may katumbas na halagang P267,820.
Inihahanda na ang mga kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) laban sa mga naarestong suspek.
“Ang laban kontra ilegal na droga ay hindi lamang operasyon ng pulisya—ito ay laban para sa kinabukasan ng ating mga pamilya at komunidad,” sabi ni Nueva Ecija police chief P/Col. Ritchie Claravall.
P341K na shabu nasamsam sa San Jose del Monte
Nov 3, 2026
6,000 kriminal lagas sa CALABARZON
Nov 3, 2026
Magsasakang wanted sa droga swak sa kulungan
Nov 2, 2026
Dating Abucay mayor pumanaw noong Undas
Nov 2, 2026

