Martin1

Pag-7.6% economic growth umpisa pa lang—Speaker Romualdez

142 Views

NANAWAGAN si Speaker Martin G. Romualdez ng sama-samang pagsuporta sa economic development plan at Agenda for Prosperity mantra ng Marcos administration.

Ayon kay Romualdez ang natikmang 7.6 porsyentong paglago ng gross domestic product (GDP) noong ikatlong quarter ng 2022 ay inaasahang masusundan pa.

“Wala pong duda. Kaya nating lahat bumangon kung sama-sama. The best is yet to come, if we come together and work hard together. Para sa bayan. Para sa kinabukasan,” sabi ni Romualdez.

Sa kanyang pagsasalita sa Bangsamoro Parliament Forum na idinaos sa Sofitel Hotel sa Pasay City binigyan-diin ni Romualdez na kasama ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa planong pag-unlad ng bansa.

“The President has an Agenda for Prosperity. This agenda has as its core mission the country’s economic transformation towards inclusivity and sustainability. This mission includes the development of BARMM (Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao),” ani Romualdez.

Sa pagsisimula ng Marcos administration ay inilatag nito ang Medium-Term Fiscal Framework (MTFF) at ang 8-point socio-economic agenda na sinuportahan ng Kongreso.