Mag-ingat sa pagdaan malapit sa Mt. Kanlaon–CAAP
May 13, 2025
LANDSLIDE PANALO
May 13, 2025
Calendar

Nation
Pag-uusap ni PBBM, Mary Jane Veloso posible
Chona Yu
Dec 17, 2024
203
Views
MAAARING kausapin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si death row convict Mary jane Veloso oras na dumating sa bansa mula Indonesia.
Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, isa sa mga posibilidad na mag-usap sina Pangulong Marcos at Veloso.
“Hindi ko lang alam pero siguro naman, that’s one of the possibilities,” pahayag ni Bersamin.
Pero sa ngayon, premature pa aniya na pag-usapan kung bibigyan ng presidential pardon ni Pangulong Marcos si Veloso.
Mas makabubuti aniya na dumating muna sa bansa si Veloso bago gumawa ng ano mang desisyon.
Matatandaang pinayagan ng pamahalaan ng Indonesia na ilipat na sa kostudiya ng Pilipinas si Veloso.
Naaresto si Veloso sa Indonesia noong 2010 dahil sa pagdadala ng illegal na droga.
PNP: Halalan payapa, ligtas, walang insidente
May 13, 2025
PBBM: Maraming salamat sa tiwala sa Alyansa
May 13, 2025