Calendar
Pagbaba ng antas ng mga walang trabaho sa Pilipinas. Ikinagalak ni Valeriano
šššš”šššššššš š»š“ šš¶š»š®š“ššæš¶š®š»š“ “Bš®šš®š»š“ Tš¼š»š±š¼” š»š® šš¶ š š®š»š¶š¹š® š®š»š± šš¶šš. šš¼š»š“. š„š¼š¹š®š»š±š¼ “šš„š©” š . š©š®š¹š²šæš¶š®š»š¼ š®š»š“ š½š®š“šÆš®šÆš® š»š“ š®š»šš®š š»š“ “šš»š²šŗš½š¹š¼ššŗš²š»š” šøš®šÆš¶š¹š®š»š“ š»š® š®š»š“ šøš®šš®š¹š®š» š»š“ šµš®š»š®š½šÆššµš®š šš® š£š¶š¹š¶š½š¶š»š®š š®š¹š¶š»ššš»š¼š± šš® š±š®šš¼š š»š® š¶š»š¶š¹šÆš®š š»š“ š±š®š¹š®šš®š»š“ š®šµš²š»šš¶šš® š»š“ š½š®šŗš®šµš®š¹š®š®š».
Bilang kilalang makamahirap sa kaniyang Distrito, Pinapurihan din ni Valeriano si Pangulong Bongbong Marcos, Jr. dahil sa pagsisikap nitong resolbahin ang laganap na kahirapan at kawalan ng trabaho sa bansa makaraang bumaba sa 31% ang unemployment.
Idiniin ni Valeriano na ipinapakita lamang ng Pangulong Marcos, Jr. na talagang seryoso itong wakasan ang kahirapan at ang kawalan ng trabaho ng nakararaming mamamayan sa pamamagitan ng paglalatag ng mga programa.
Kinakatigan din ng kongresista ang pahayag ni Finance Sec. Ralph Recto na ang magandang resulta ng datos na inilabas ng Department of Finance (DOF) at National Economic Development Authority (NEDA) ay isang malinaw ma testamento na kayang malabanan ng gobyerno ang kagutuman at kahirapan.
Sinabi naman nina Recto at NEDA Chief Arsenio Balisacan na ito na ang pinakamababang ratio ng mga walang hanapbuhay kung saan ay kinumpirma rin ng maraming Pilipino na marami sa kanila ang nakabalik na sa dati nilang pinagkakakitaan.
Ayon pa Valeriano, ganito marahil ang nais mangyari ng Pangulo na mapababa ang kahirapan sa bansa kung hindi man nito mapuksa. Kasabay ng tina-target nito na maibaba sa 15% o ang single digit poverty rate bago matapos ang termino ni PBBM.
To God be the Glory