Vic Reyes

Pagbabantay sa mga border ng bansa hinigpitan

Vic Reyes Jul 22, 2026
113 Views

MAGANDANG araw sa ating mga suki, lalo na sa mga kababayan natin sa Japan, Oman, Saudi Arabia, at sa iba pang panig ng mundo.

Binabati natin sina Ma. Theresa Yasuki, Mama Aki ng Ihawan, La Dy Pinky, Endo Yumi, Glenn Raganas, Patricia Coronel, Roana San Jose, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Josie Gelo, Hiroki Hayashi, at Hiroshi Katsumata.

Binabati rin natin si Joann de Guzman at mga kasama niya sa Oman na sina Dolores Monfero, Delia Sunga ng Saudi Arabia.

Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.

God Bless!

***

Pinangunahan ng Bureau of Customs (BOC) ang inspeksyon sa limang containers ng misdeclared frozen agricultural products at pagkain mula sa China, na nagkakahalaga ng 23.7-M

Ang inspeksyon ay ginawa sa Port of Manila (POM) noong Hulyo 21.

Ang mga misdeclared at illegally imported goods ay kinabibilangan ng peeled chicken breast, skinless chicken breast, frozen pigeon, Peking duck, at frozen duck meat.

Na-flag ang shipments sa pamamagitan ng customs intelligence, risk assessment, at profiling.

Ang mga ito ay idineklarang naglalaman ng iba’t ibang food products, kagaya ng squid ball, fish tofu, fish roe balls, at Qianye tofu.

Ayon kay BOC Chief Ariel F. Nepomuceno, higit pa nilang pinapalakas ang koordinasyon sa Department of Agriculture (DA) para masawata ang agricultural smuggling sa bansa.

Nagpasalamat din siya kay Agriculture Secretary Francisco Laurel dahil sa patuloy na tulong ng DA sa kampanya kontra iligal na pagpasok ng mga produktong agrikultura sa Pilipinas.

Kaagad namang nag-isyu ng warrant of seizure and detention (WSD) si POM District Collector Rizalino Jose C. Torralba laban sa limang containers.

Ang kampanya ay naaayon sa kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na higpitan ang pagbabantay sa border ng bansa.

***

Upang higit pang mapaganda ang serbisyo sa aduana, isang task force (TF) ang binuo ng Bureau of Customs (BOC).

Ito ang Technical Working Group Task Force (TWG-TF).

Ayon kay Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno, ang mandato ng TF ay i-address ang “operational challenges affecting major seaports and airports” sa buong bansa.

Bago nito ay nag-inspeksyon si Nepomuceno sa isang air cargo warehouse facility.

Ito ay ginawa ng BOC chief para ma-obserbahan ang “traffic flow, cargo handling, processing, and overall warehouse operations.”

Dito niya nabuo ang mga dapat gawin para ma-resolba ang mga problema ng mga stakeholders.

Ang TF ay pinamumunuan ni Deputy Commissioner (DepCom) Agaton Teodoro Uvero ng Assessment and Operations Coordination Group (AOCG).

Ang vice chairman ay si Assistant Commissioner Vincent Phillip C. Maronilla ng Post Clearance Audit Group (PCAG).

Ang mga miyembro ay ang mga district collectors ng Manila International Container Port (MICP), Port of Manila (POM), Port of Ninoy Aquino International Airport (NAIA), at Director of Port Operations Service.

***

Umiinit na ang nangyayaring impeachment trial ni Bise Presidente Sara Duterte sa Senado.

Binabantayan ng taumbayan ang impeachment trial dahil gusto nilang malaman ang buong katotohanan sa mga akusasyon laban kay VP Sara.

Inaasahang iinit pa ang balitaktakan kapag binuksan na ang mga financial records ng bise president.

Kailangan ito para malaman natin ang katotohanan.

(Para sa inyong komento at pagbati, mag-text sa #09178624484/email: philipreyes08@yahoo.com.)