Vic Reyes

‘Wag magpaloko sa scammers

Vic Reyes Jul 19, 2026
126 Views

MAGANDANG araw sa ating mga kababayan, lalo na sa mga suki natin sa Japan at iba pang panig ng daigdig.

Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.

Binabati natin sina Ma. Theresa Yasuki, Patricia Coronel, Mama Aki ng Ihawan, Winger dela Cruz, Glenn Raganas, La Dy Pinky, Endo Yumi, , Roana San Jose, Yoshiko Katsumata, Josie Gelo, Hiroki Hayashi, at Hiroshi Katsumata.

Binabati rin natin si Joann de Guzman at mga kasama niya sa Oman; Dolores Monfero, Delia Sunga ng Saudi Arabia.

God Bless sa inyong lahat!

****

Marami talagang manloloko sa bansa.

Ang masakit, wala sanang mga manloloko kung walang nagpapaloko, lalo na sa probinsiya.

Kung minsan kasi, tuwang-tuwa na tayo kapag nakarinig tayo ng “padala o regalo” galing ng ibang bansa.

Sa pamamagitan ng cellular phone, laptop o computer ay padadalhan ng text message ang target biktimahin.

Nakalagay sa text message na meron siyang “package” galing abroad sa BOC, na kailangan daw bayaran ng duties and taxes para ma-release ng BOC ang nasabing pakete.

Kailangan daw ipadala sa isang personal bank account, e-wallet o money remittance services ang pera.

Kaugnay nito pinayuhan ni Commissioner Nepomuceno ang publiko na makipag-ugnayan sa BOC sakaling makatanggap ng ganitong text message.

Huwag tayong magpaloko sa mga“highly-enterprising scammers” na nagkalat sa buong bansa.

***

Tumanggap ng parangal si Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno dahil sa kanyang “outstanding achievements.”

Ang mga parangal ay galing sa Philippine Iron and Steel Institute (PISI) at Cement Manufacturers Association of the Philippines (CeMAP).

“As key industry partners of BOC, PISI and CeMAP welcomed the continued improvements in customs processes,” ayon sa isang press statement.

Binanggit ng dalawang grupo ang “increasingly professional, transparent, and service-oriented approach” ng mga taga-BOC.

Ayon sa PISI at CeMAP, ang mga initiatives ni Commissioner Nepomceno ay magpapaganda ng serbisyo ng gobyerno sa aduana.

“We commend your leadership and the commitment of the entire BOC workforce in ensuring that every peso collected serves the Filipino people,” ayon sa PISI.

Tinawag naman ng CeMAP na ang mga tagumpay ni Commissioner Nepomceno ay “significant.”

Matatandaan na nalampasan ng BOC ang kanilang revenue collection target sa unang anim na buwan ng taon.

At inaasahang malalampasan ng ahensiya ang malaking tax target nito para sa 2026. Sa buong taon ng 2026 ay naatasanang BOC na mangolekta ng P1 trilyung buwis, taripa at ibang bayarin.

***

Habang tumatagal ay nagiging mainit ang balitaktakan sa nangyayaring impeachment trial ni Bise Presidente Sara Duterte sa Senado.

Ang maganda lang, nagagawang ma-kontrol ni Senator Francis “Chiz” Escudero ang sitwasyon.

Dahil patas naman siya sa mga desisyon, nire-respeto ng prosecution at defense lawyers ang kanyang mga rulings.

Ang mahalaga sa trial lumabas ang katotohan para makapag-desisyon ng mabuti ang mga senator-judges.

Pero may mga naniniwala na may mga senator-judges na magde-desisyon hindi sa mga ebidensya kundi personal na paniniwala.

Wala tayong magagawa dahil hindi naman regular criminal court proceedings ang nangyayari sa isang impeachment.

Kung mas marami ang pro-Duterte na senator-judges ay mababasura ang impeachment charges laban sa kanya.

(Para sa inyong komento at pagbati, mag-text sa #09178724484/email:philipreyes08@yahoo.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan)