Calendar
Paglabas ng pondo ng barangay, iniutos na ni Mayor Isko Moreno
INANUNSIYO ni Mayor Isko Moreno Domagoso ang paglalabas ng mahigit P143 milyon budget ng 896 barangay para mapunuan ang mahigit dalawang taong kakulangan na hindi naibibigay.
Ayon sa alkalde, kabilang sa maibibigay ang Barangay Clearance Share mula Enero ng 2023 hanggang Setyembre 2025, Barangay Development Fund para sa taong 2025, at ang 30- porsiyentong bahagi sa Real Property Tax (RPT) mula Hulyo hanggang Nobyembre, 2025
Bukod dito, sinabi ni Mayor Domagoso na pinayagan na rin niyang ilabas ang Barangay Development Fund na P12,000 kada barangay para sa taong 2025 na nakapaloob sa ipinasang budget ng lungsod.
Sa kabila aniya na katamtaman ang halaga, ng inilaang pondo, inaasahang masusuportahan ito ang pangunahing pangangailangan at mga maliliit na programa sa komunidad sa 896 barangay sa Maynila.
Sinabi ng alkalde na ang paglalabas ng naturang salapi para sa buwan ng Hulyo hanggang Nobyembre ng 2025 ay bahagi ng pagnanais nilang maging normal na ang pagkakaloob ng pondo para matiyak na magagamit na nila ito sa pangunahing serbisyo.

