Pagpapaliban ng halalan sa Disyembre pasado sa ikalawang pagbasa ng Kamara

196 Views

PASADO na sa ikalawang pagbasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukala na ipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Inaprubahan ng Kamara ang House Bill 4673 noong Martes, Setyembre 13 na maglilipat sa halalan sa Disyembre 4, 2023 sa halip na sa Disyembre 5, 2022.

Matapos ito ay isasagawa ang halalan tuwing ikatlong taon.

Ang mga kasalukuyang opisyal ng Barangay at SK ay mananatili sa kanilang puwesto hanggang sa umupo ang mga mananalo sa Enero 1, 2024.