Cayetano

Pagtalakay sa budget sinimulan na ng Senado

271 Views

SINIMULAN na ng Senado ang deliberasyon ng panukalang P5.268 trilyong budget para sa 2023.

Humarap sa Senate committee on finance ang mga miyembro ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) na kinabibilangan nina Finance Secretary Benjamin Diokno, Budget Secretary Amenah Pangandaman, at National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan.

Ipinasisilip ni Sen. Alan Peter Cayetano kay Diokno ang umano’y “expanded fund parking” scheme na ginawa sa budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon kay Cayetano sinasadya umano na tapyasan ang pondo ng mga congressional district at mayroong grupo na kakausap sa mga mambabatas at ipapangako na maibabalik ang pondo kapalit ng pagpili nila ng contractor.

Sa pag-aaral ni Cayetano, mayroon umanong mga distrito na nakatikim ng 93.12 porsyentong tapyas sa budget.