Remulla

Appointment nina Remulla, Abalos kinumpirma ng CA

109 Views

NAKAKUHA na ng kumpirmasyon mula sa Commission on Appointment (CA) sina Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla at Interior Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr.

Bago ang kanyang kumpirmasyon, natanong si Remulla kaugnay ng kaso ni dating Sen. Leila de Lima at ang kanyang opinyon sa panukala na buwagin na ang Presidential Commission on Good Government (PCGG).

Bukod sa pagbuwag, sinabi ni Remulla na maaaring palawigin na lamang ang mandato ng PCGG upang makahawak ito ng ibang kaso para sa kabutihan ng bansa.

Tiniyak naman ni Remulla na hindi made-delay ang prosekusyon ng kaso ni de Lima.

Sinabi naman ni Abalos na magpapatuloy ang war on drugs ng gobyerno at tiniyak na susunod ang proseso ng batas ang bawat operasyon.

Naniniwala si Abalos na masosolusyunan ang problema sa iligal na droga kung tutugunan ang mga ugat nito gaya ng kawalan ng trabaho, at kahirapan.

Ipinagpaliban naman ang kumpirmasyon ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma at binigyan ito ng pagkakataon na sagutin ang mga tanong ng mga mambabatas partikular ang isyu na siya ay isang union buster.