Rolando Valeriano

Pamamahala sa DepEd sa ilalim ng pamumuno ni Sec. Sonny Angara, mas magiging maayos — Valeriano

Mar Rodriguez Sep 5, 2024
90 Views

Valeriano1๐—ก๐—”๐—ก๐—œ๐—ก๐—œ๐—ช๐—”๐—Ÿ๐—” ๐˜€๐—ถ ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ ๐Ÿฎ๐—ป๐—ฑ ๐——๐—ถ๐˜€๐˜. ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ด. ๐—ฅ๐—ผ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ผ “๐—–๐—ฅ๐—ฉ” ๐— . ๐—ฉ๐—ฎ๐—น๐—ฒ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐—ผ ๐—ป๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐˜€ ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ, ๐—บ๐—ฎ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐˜€ ๐—ฎ๐˜ ๐—ผ๐—ฟ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ฑ ๐˜€๐—ฎ ๐——๐—ฒ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—ผ๐—ณ ๐—˜๐—ฑ๐˜‚๐—ฐ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป (๐——๐—ฒ๐—ฝ๐—˜๐—ฑ) ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—บ ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐˜‚๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ฑ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฒ๐—ป๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ๐—ฟ ๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ถ ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฐ. ๐—˜๐—ฑ๐—ด๐—ฎ๐—ฟ๐—ฑ๐—ผ “๐—ฆ๐—ผ๐—ป๐—ป๐˜†” ๐—”๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐—ฑ๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—น ๐—ป๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐˜‚๐˜€๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ “๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐—ฐ๐—ธ ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฐ๐—ผ๐—ฟ๐—ฑ”.

Ito ang pananaw ni Valeriano, chairman ng House Committee on Metro Manila Development, na sa nakikita nito ay magiging maayos ang pagpapatakbo ng naturang ahensiya kumpara sa dating namamahala dito na nag-iwan ng kaliwa’t-kanang kontrobersiya at eskandalo patungkol sa usapin ng intelligence fund.

Sinang-ayunan din ni Valeriano ang opinyon ng kapwa nito kongresista na nagsabi na tamang tama si Angara para maging Kalihim ng DepEd dahil sa pagiging accommodating nito at ang pagkakaroon nito ng malasakit para sa mga guro sa pamamagitan ng pagsusulong nito ng mga panukalang batas para itaas ang sahod ng mga teachers.

Ikinadismaya din ng kongresista ang nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Appropriations tungkol sa P793.18 bilyong budget ng DepEd kasama na ang mga attached agencies nito para sa 2025. Natuklasan na napakaraming problema ang iniwan ng dating Kalihim ng DepEd na si Vice-President Inday Sara Duterte.

Sabi ni Valeriano na kabilang sa mga problemang iniwan ni VP Sara ay ang MATATAG Curiculum na nagdulot aniya ng napakalaking pahirap para sa mga guro sa high school na ngayon ay mayroong 7-8 load kada araw na ang bawat klase ay tumatagal ng 45 minuto.

Nauna rito, iminumungkahi ni House Assistant Majority Leader at Lanao del Sur 1st Dist. Cong. Zia Alonto Adiong sa DepEd na papanagutin ang mga supplier na nabigong matupad ang kontrata para sa Last Mile Schools Program noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte hanggang sa pamunuan ni VP Sara Duterte ang DepEd bilang Kalihim.

Paliwanag ni Adiong na 50% lang ng P20.54 bilyong pondo ang nagamit na maituturing aniya na isang “disservice” sa mga mag-aaral na nasa malayong lugar gaya ng lalawigan.