Calendar
Pambato ng MinOr sa ’26 Palarong Pambansa handa sa laban
NAUJAN, ORIENTAL Mindoro–Pinangunahan ni Gob. Bonz Dolor ang seremonya ng sendoff noong Mayo 10 para sa mahigit 200 na delegado ng lalawigan sa Palarong Pambansa 2026 sa Agusan del Sur.
Ginanap ang sendoff sa Porfirio Comia Memorial National High School kasama ang mga opisyal ng DepEd-Oriental Mindoro at Calapan City, mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan at mga magulang.
Bilang suporta, ipinagkaloob ng pamahalaang panlalawigan ang hygiene kits at tulong pinansyal na P6,300 para sa bawat atleta.
Hinikayat ni Gob. Dolor ang mga manlalaro na ibigay ang kanilang buong husay, ngunit higit sa medalya, hangad niyang maiuwi nila ang karangalan ng lalawigan sa pamamagitan ng pagiging disiplinado, may respeto at mabuting asal.
“Kusang ibinigay ito ng pamahalaan dahil pantay-pantay ang pagtingin at pagmamahal namin sa inyo,” pahayag ng gobernador.

