Garcia

Pamilya ni Manoy nagpasalamat dahil sa pagsasabatas ng Eddie Garcia Law

Mar Rodriguez Mar 10, 2024
121 Views

NAGPAABOT ng isang taos pusong pasasalamat ang pamilya ng yumaong beterano at primyadong actor-director na si Eddie Garcia para sa “main author” ng “Eddie Garcia Law” na si 1-PACMAN Party List Congressman Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D., matapos ang matagumpay na pagsasabatas nito.

Ipinabatid ni Romero, Chairman ng House Committee on Poverty Alleviation, na ipina-abot ng pamilya ng itinuturing na Filipino movie icon noong Marso 06, 2024 ang kanilang sinserong pasasalamat partikular na sa Kamara de Representantes dahil sa pagkakapasa ng Eddie Garcia Law.

Ayon kay Romero, idinaan ang taos pusong pasasalamat sa pamamagitan ng press statement ng “long-time partner” ni Eddie “Manoy” Garcia na si Olivia Lagman Romero na nagsabing ang pagsasabatas ng Eddie Garcia Law ay naglalarawan sa mga mithiin ng yumaong aktor para sa film at movie industry.

Sinabi ni Romero na kung tutuusin ay hindi nasayang ang mga sakripisyo ni Eddie Garcia. Sapagkat nagkaroon ng nagbunga ang sinapit nito para sa kapakinabangan ng iba pang nagta-trabaho sa television at movie industry para magkaroon sila ng proteksiyon laban sa sakuna o trahedya.

“The significant tragic accident that eventually led to Eddie Garcia’s untimely demise was not sacrificed in vain. It saved a purpose and paved the way to accomplish a noble end. This is Manoy’s best gift and lasting contribution to the Philippine entertainment industry,” ayon kay Romero.

Ipinabatid pa ng Party List solon na inakda at inihain nito ang panukalang batas kasunod ng biglaang pagpanaw ni Garcia noong June 20, 2019. Kung saan, inaprubahan ng Kamara de Representantes ang House Bill No. 1270 para sa ikatlo at huling pagbasa noong nakalipas na February 7, 2023.

“The Senate approved version of the Eddie Garcia Law a year later. Senator Jinggoy Estrada authored the Senate version. The right to decent and fair wages and others are among the provisions of the Eddi Garcia bill,” sabi pa ni Romero.