Just In

Calendar

June 2026
M T W T F S S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  
Toda

Pangulo ng TODA todas habang nakapila sa ayuda

Steve A. Gosuico Apr 28, 2026
150 Views

GUIMBA, Nueva Ecija–Patay ang 57-anyos na tricycle driver at pangulo ng TODA (Tricycle Operators and Drivers Association) sa Brgy. Bacayao ng bayang ito ng atakihin sa puso habang nakapila para makuha ang P5,000 na ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) noong Abril 24.

Ang nasawi, si Orlando Sebastian, biglang nahilo habang inaasistehan ang mga miyembro ng TODA sa gym ng bayan.

Isinugod ang biktima sa ospital subalit idineklarang dead-on-arrival.

Ayon kay Aling Lorena, maybahay ng biktima, kailan lang nagpacheck-up sa doctor ang kanyang mister at sinabihan siya nito na bawal na sa kanya magtrabaho ng mabigat dahil sa problema sa puso.

Pasado alas-10:00 ng umaga ng magsimula ang pay-out para sa mahigit 1,000 benepisyaryong tricycle driver nang mangyari ang insidente.