Calendar
Panukala ni Garcia na dagdag korte sa Bataan aprub sa Kongreso
INIHAYAG ni Bataan 2nd district Congressman Abet S. Garcia na inaprubahan na ng Mababang Kapulungan ang apat na karagdagang regional trial courts sa ikatlo at pinal na pagbasa ang House Bill No. 11368 sa pagtatapos ng sesyon ng Kongreso.
Ang panukala ay iminungkahi ni Rep. Albert S. Garcia ng 2nd Distrito ng Bataan noong 2025 upang madagdagan ng apat na sangay ng Regional Trial Courts (RTCs), kabilang ang isang isang Family Court, dalawang Municipal Trial Courts (MTC), at isang Municipal Trial Court in Cities (MTCC) sa Bataan.
Sa kasalukuyan, ani Garcia, hindi pantay ang bilang ng mga korte sa tatlong distrito ng Bataan.
“May mga lugar na walang Family Court kahit mataas ang bilang ng family‑related cases, at kulang ang mga branches ng mga korte kumpara sa dami ng populasyon at mga kasong isinasampa. Sa pamamagitan ng panukalang ito, inaasahang mabibigyan ng agarang solusyon ang dumaraming naiipong mga nakabinbing mga kaso at bumabagal na paghatid ng hustisya,” ani Garcia.
Itinulak ni Garcia na maipasa ang panukalang ito ng Kongreso upang masagutan ang kakulangang ito at matiyak na ang mga Bataneños ay makikinabang sa mas mabilis, mas maayos, at mas makatarungang proseso ng hustisya.

