Calendar
Ang biktimang pulis na hinataw ng tubo sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan ng suspek. JONJON C. REYES
Parak bali ang daliri, putok ang ulo sa suspek na nagtangkang tumakas
PUTOK ang ulo, bali ang daliri at iba pang pinsala sa katawan ang tinamo ng isang pulis na nakatalaga sa Smokey Mountain Police Community Precinct PCP-MPD Station 1 matapos mapigilan nito ang papatakas sanang trespassing suspek Martes ng hapon sa loob ng Smokey Mountain Police Community Precinct na matatagpuan sa Mel Lopez Blvd, Brgy. 105, Tondo, Maynila.
Dahil dito, nahaharap sa karagdagang kasong violation ng Art. 151 ng Revised Penal Code (Resistance and Disobedience of person in authority) at frustrated homicide ang suspek na si alyas Faustino, 36, tubong Nueva Ecija, at naninirahan sa Santa Isabel Cabiao, Nueva Ecija.
Ayon sa report na nakarating kay Police Lieutenant Colonel Ronald De leon, commander ng MPD RaxaBago Police Station 1 sa Tondo, bandang 4:30 p.m. nang mangyari ang insidente.
Ang nagreklamo laban sa suspek ay nakilalang sina Aquilino Montes, 40, lalaki, at Maresa Montes, 25, kapwa security guard at nakatira sa 301 Blk 15, Brgy. 649, Baseco,Port Area Manila.
Nagpapatrolya ang dalawa nitong Hulyo 14, 2026, bandang 2 a.m. nang maispatan nila ang umano’y lasing na suspek sa may Marala Cluster 1 ng Smokey Mountain.
Naiturn over ang suspek sa Smokey Mountain PCP. Kalaunan ay sinubukan umanong tumakas nito at hinataw ng tubo si Pat.Marianeto Gabumpa Jr. na nakatalaga sa Smokey Mountain PCP Raxabago Police Station PS-1.
Naaresto ang suspek habang isinugod ang biktima sa Mary Johnson Hospital kung saan ginamot ito ni Dr. John Arcee Posadas. Kalaunan ay inilipat siya sa Philippine Orthopaedic Centre para sa operasyon sa kanyang kanang hintuturo sa ilalim ng pangangalaga ni Dr. Clark Titus Caberto.
Ang suspek ay ihaharap para sa inquest proceedings sa Manila Prosecutor’s Office.

