Parak

Parak nahuli 2 suspek sa pangh*halay, isa pa sa 2 kaso ng pagp*t*y

83 Views

Live1

HIMAS-REHAS na ang tatlong high-profile wanted persons na nahaharap sa mga kasong panggagahasa at pagpatay matapos malambat sa La Union, Iligan City, at Batangas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Pawang kabilang sa top 10 Regional Most Wanted Persons ang tatlong suspek na matagal nang tinutugis ng batas.

Unang bumagsak sa kamay ng mga awtoridad sa Agoo, La Union noong Nob. 21 ang opisyal ng barangay na no. 7 Most Wanted sa Region 1 at inaresto sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong statutory rape at walang inirekomendang piyansa.

Sumunod na nalambat sa Iligan City ang No. 9 Regional Most Wanted Person na nahaharap sa dalawang kaso ng rape by sexual assault at isang kaso ng qualified rape ng menor-de-edad.

Hindi na rin nakapalag ang 63-anyos na suspek na No. 3 Most Wanted sa rehiyon matapos siyang makorner ng mga pulis sa Brgy. Aya, San Jose, Batangas noong Nob. 22 para sa dalawang kaso ng murder na inisyu ng korte sa Tagaytay City, na wala ring piyansa.

Pinuri ni PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang mabilis na aksyon at koordinasyon ng kanyang mga tauhan sa pagkakadakip sa mga pugante.

Nakakulong na ang tatlong suspek sa mga himpilan ng pulisya.