Parak

Parak sa PRO 4A tumaas ranggo

35 Views

Parak1

KAMPO VICENTE P. LIM, Calamba City, Laguna–Itinaas ang ranggo ng dalawang mataas na opisyal ng Police Regional Office 4A (PRO-4A) noong Linggo.

Si P/BGen Hansel Marantan, director ng PRO-4A, ang nagtaas ng ranggo nina P/Col. Vicente Cabatingan, kasalukuyang hepe ng Regional Intelligence Division, at P/Lt. Col. Joselito M. Araja, acting chief ng Provincial Investigation and Detective Management Unit ng Quezon Police Provincial Office.

Ang promosyong ito ay milestone sa karera ng mga opisyal na sumasalamin sa kanilang kakayahan sa serbisyo publiko.

Ipinaalala niya na ang bawat karagdagang bituin o medalya ay may katumbas na mas mabigat na tungkulin.

Ang naturang aktibidad ay bahagi ng pagkilala ng pambansang pulisya ng Pilipinas sa mga tauhan nito at nakalinya rin sa Focused Agenda ng hepe ng PNP na si P/Gen Jose Melencio Nartatez Jr.