Calendar
Photo source: FB/Southern Police District
Pasay pulis natugis Rawraw na suspek sa nakaw
INARESTO ng Pasay City Police Station ang isang indibidwal na nakilala sa alyas “Rawraw,” 41, matapos ang walang tigil na hot pursuit operation kaugnay ng isang insidente ng pagnanakaw.
Naganap ang pagnanakaw noong Agosto 19, bandang 12:50 ng tanghali sa loob ng isang kainan sa Roxas Boulevard Service Road, Barangay 10, Pasay City. Target ng insidente ang ilang personal na gamit ng COMELEC Chairman Garcia.
Matapos ang ulat, agad na inilunsad nitong Huwebes, Agosto 21 ang hot pursuit operation sa ilalim ng direktang pangangasiwa ng Chief of Police ng Pasay CPS at SSIT Commander. Naging susi ang impormasyong mula sa isang confidential source hinggil sa kinaroroonan ng suspek, gayundin ang imbestigasyon at positibong pagtukoy mula sa isang saksi na naroon sa pinangyarihan ng krimen.
Bandang alas-5:00 ng hapon ng Huwebes matagumpay na natunton at naaresto ng mga operatiba si alyas “Rawraw” sa Molino I, Bacoor, Cavite. Ang naarestong suspek ay kabilang sa mga naitalang at-large. Ang pag-aresto na ito ay kasunod ng naunang pagkakadakip sa isa pang suspek na dumaan na sa inquest proceedings. Matapos maaresto ang ikalawang suspek, muling kinonsulta ng mga pulis ang Duty Inquest Prosecutor upang matiyak na nasusunod ang lahat ng legal na proseso, at nagsagawa ng hiwalay na supplementary e-Inquest proceeding para kay alyas “Rawraw” bandang 9:30 ng gabi noong Agosto 21.
Patuloy pa rin ang masinsing hot pursuit operations laban sa iba pang mga sangkot sa insidente.
Pinuri naman ni Acting District Director ng Southern Police District PBGEN Randy Y. Arceo ang mabilis na aksyon ng Pasay City Police. “This is a testament to the dedication of our men and women in uniform to bring those responsible to justice,” ani ng direktor. “We will not rest until all individuals involved in this case have been apprehended. We are committed to ensuring the safety and security of every citizen in our jurisdiction.”
STORY FROM THIS LINK: https://www.facebook.com/share/p/1ZaU4MdXpc/

