Salisi

Isa pang sumalisi sa Comelec chief naaresto sa Cavite

Edd Reyes Aug 22, 2025
266 Views

ISA pang miyembro ng Salisi Gang na nambiktima kay Commission on Election (Comelec) Chairman George Erwin Garcia ang nadakip ng pulisya sa Bacoor, Cavite.

Nadakip ng mga tauhan ni Pasay police chief P/Col. Joselito De Sesto si alyas “Rawraw,” 41, Huwebes ng alas-5:00 ng hapon sa malapit lamang sa kanyang tirahan sa Molino Road, Brgy. Moino VI, Bacoor, Cavite.

Positibong kinilala ng testigo si alyas Rawraw na isa sa mga nagnakaw sa bag ni Chairman Garcia noong Agosto 19 sa isang bantog na restaurant sa kanto ng Buendia at Service Road ng Roxas Boulevard.

Sinabi ni Col. De Sesto dahil nauna na nilang na-inquest ang unang suspek na si alyas “Hazel”, maghain sila ng hiwalay na supplementary inquest proceeding laban kay alyas Rawraw matapos silang kumonsulta sa piskalya makaraan itong maaresto sa patuloy na follow-up operation.