BBM2

PBBM ipinag-utos agarang pagpapalabas ng pondo para sa pagsasaayos ng mga paaralan

183 Views

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang agarang pagpapalabas ng mahigit P3 milyong pondo na gagamitin sa pagsasaayos ng mga paaralan na nasira ng baha sa Misamis Oriental.

“If the LGUs can take the load, we can send you the three million plus immediately. Kasi ito ‘yung nakalista dito, for the school buildings,” ani Pangulong Marcos sa isinagawang situation briefing sa Gingoog City, Misamis Oriental.

“I’m talking about the school buildings for the repair. Yeah do it. By administration na lang para mas mabilis. Mas mabilis and mas mura,” dagdag pa ng Pangulo.

Ayon sa Pangulo, mayroong 63 silid-aralan na nasira dahil sa baha dulot ng walang humpay na pag-ulan sa lugar.

Inatasan din ni Marcos ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na agarang ayusin ang mga nasirang imprastraktura kapag humupa na ang baha.