Vargas panalo sa ikalawang termino
May 15, 2025
Lalaki tiklo sa vote-buying
May 15, 2025
Calendar

Nation
PBBM irereorganisa SRA
Peoples Taliba Editor
Aug 19, 2022
302
Views
IREREORGANISA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Sugar Regulatory Administration (SRA) matapos ang hindi natuloy na pag-angkat ng 300,000 metriko tonelada (MT) ng asukal.
Ayon kay Marcos ang pag-reorganisa ng SRA ay mangyayari bago matapos ang linggong ito.
“So what we are going to do is that we are going to reorganize the SRA and as soon as that’s done — that should be done this week, before the end of this week,” sabi ni Marcos.
Matapos ang reorganisasyon ay makikipag-ugnayan muli si Marcos sa mga stakeholders sa sugar industry upang matugunan ang isyu ng suplay at presyo ng asukal.
Nauna rito, sinabi ng Malacañang na hindi otorisado ng Pangulo ang ginawang pag-apruba ng SRA sa pag-angkat ng 300,000 MT ng asukal.
Isko nangakong lilinisin ang Manila
May 15, 2025
Halalan’ 25 panawagan sa pagkakaisa – – SP Chiz
May 15, 2025