Binata napunta sa selda dahil may dalang marijuana
Oct 31, 2026
PRO 10 nilusob lihim na POGO hub sa Iligan
Oct 31, 2026
Lalaki, 60, nasukol sa nabigong pagtsugi
Oct 31, 2026
Calendar
Nation
Sen. Villanueva nahawa ng COVID-19
Peoples Taliba Editor
Aug 19, 2022
738
Views
NAHAWA ng COVID-19 si Senate Majority Leader Joel Villanueva.
Ayon kay Villanueva lumabas na kanyang reverse transcription – polymerase chain reaction (RT-PCR) test na mayroong na-detect na SARS-CoV-2, ang virus na sanhi ng COVID-19.
Nagpasabi na umano si Villanueva kay Senate President Juan Miguel Zubiri at kanyang mga kasamahan kaugnay ng resulta ng kanyang test.
Si Villanueva ang ikalimang senador na nahawa ng COVID-19 ngayong buwan.
Nauna ng nahawa sina Senators Alan Peter Cayetano, Imee Marcos, Cynthia Villar, at Grace Poe.

