BBM

PBBM nalungkot sa pagkaswi ng isang lolo sa Camarines Norte dahil sa bagyong Pepito

Chona Yu Nov 18, 2024
39 Views

IKINALUNGKOT ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na may isang indibidwal ang nasawi sa Camarines Norte dahil sa bagyong Pepito.

Sa ambush interview sa Palasyo ng Malakanyang, sinabi ni Pangulong Marcos na magdamag siyang naka-monitor sa bagyo.

“We have been monitoring Pepito all night. Unfortunately, I am sorry and saddened to report na mayroon tayong casualty na isa sa Cam Norte. One casualty is a casualty too many,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“However, kailangan pasalamatan natin lahat ng local government unita na nagtatrabaho. Pang-anim na nila. Nagpapasalamat sa kanila at sa taong bayan din sila ay tumutulong. Hangga’t kaya at sinusundan naman ng mga bulletin kahit papaano sa lakas ng Pepito. Hindi kasing sama inaasahan, it wasn’t as bad as we fear,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Ayon sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, isang 76-anyos na lalaki sa Daet ang nasawi matapos maaksidente ang sasakyan dahil sa nakabinbin na kable ng internet sa Bagabas Road.

Tiniyak pa ni Pangulong Marcos na nakahanda ang gobyerno na tugunan ang pangangailangan ng mga apektadong residente.

Ang bagyong Pepito ang ikaanim na bagyo na pumasok sa bansa sa nakalipas na tatlong linggo.

Una nang tumama sa bansa ang mga bagyong Kristine, Leon, Marce, Nika at Ofel na nagdulot ng pagkasawi ng ilang Filipino at pagkasira ng mga ari-arian.