Calendar
Provincial
Lalaki tiklo sa 3 counts ng child abuse
Jojo Cesar Magsombol
Nov 18, 2024
523
Views
KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Naaresto noong Linggo ang lalaking may tatlong warrant of arrest dahil sa paglabag sa Section 5 ng RA 7610 (Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act) sa Brgy. San Sebastian, Lipa City.
Inaresto ang suspek na si alyas Renato, 40, mula sa arrest warrant na inisyu ni Presiding Judge Noel Lindog ng Family Court, Branch 2 ng Lipa City, Batangas.
May P80,000 piyansa na inirekomenda sa bawat kaso ng suspek para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Dakong alas-12:05 ng tanghali naaresto ang suspek ng Lipa City police sa pangunguna ni P/Lt. Col. Rix Villareal, ang hepe ng pulisya ng syudad.
PNP, PCA nag-collab sa pagtanim ng puno
Aug 25, 2026
Ex-miyembro ng CTG nagbalik-loob sa gobyerno
Aug 25, 2026
UPLB 4PH Rental Housing Project ginagawa na
Aug 24, 2026
PAGDINIG SA ZAMBOANGA SCHOOL SHOOTING
Aug 24, 2026
2 arestado sa P1.5M Kush na halagang P1.5M
Aug 24, 2026
7 nasapot ng parak sa sabong ng gagamba sa Batangas
Aug 24, 2026

