BBM

PBBM nilagdaan Philippine Development Plan

195 Views

NILAGDAAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang isang Executive Order para sa pag-apruba ng Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028 na siyang nagtatakda ng landas na tatahakin ng gobyerno para sa pag-unlad ng ekonomiya.

Sa ilalim ng EO 14, ang PDP na naka-angkla sa “AmBisyon Natin 2040” ay naglalayong ilagay ng bansa sa direksyon ng pag-unlad.

Ang AmBisyon Natin 2040 ay ang gabay na gagamitin mula 2016 hanggang 2040 para sa magkaroon ng “matatag, maginhawa at panatag na buhay” ang mga Pilipino.

Layunin ng programa na makalikha ng maraming trabaho upang mabawasan ang kahirapan sa bansa kasabay ng pagtugon sa mga hamong dala ng COVID-19 pandemic.

“We approved the Philippine Development Plan for 2023 to 2028 and this sets out the framework of the development plan for the Philippines and we have included all of the priority areas,” ani Pangulong Marcos.

“This will facilitate the coordination and the alignment of all departments and all agencies in government to a single plan so that we are all working in the same direction,” sabi pa ng Pangulo.

Sa ilalim ng EO 14, ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay dapat gumawa ng mga programa na naka-ayon sa PDP.