Binata napunta sa selda dahil may dalang marijuana
Oct 31, 2026
PRO 10 nilusob lihim na POGO hub sa Iligan
Oct 31, 2026
Lalaki, 60, nasukol sa nabigong pagtsugi
Oct 31, 2026
Calendar
Nation
PBBM pangungunahan paglulungsad ng Kadiwa ng Pasko project
Ryan Ponce Pacpaco
Nov 16, 2022
655
Views
PANGUNGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paglulungsad ng Kadiwa ng Pasko project na naglalayong tulungan ang mga konsumer na makabili ng murang bilihin at ang mga magsasaka at mangingisda na makapagbenta ng kanilang produkto.
Sa Barangay Addition Hills sa Mandaluyong City isasagawa ang paglulungsad ng programa.
Labing-apat na Kadiwa center ang sabay-sabay na magbubukas sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa Miyerkules— 11 sa National Capital Region, isa sa Tacloban City, isa sa Davao De Oro, at isa sa Koronadal City, South Cotabato.
Ang programa ay isa sa mga hakbang ng gobyerno upang matulungan ang publiko sa gitna ng mataas na presyo ng mga bilihin.
