Advincula1

PBBM, VP Sara dumalo sa misa bago sinimulan unang araw sa trabaho

218 Views

DUMALO sa isang misa sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte bago sinimulan ang kanilang trabaho.

Bukod sa dalawang pinakamataas na opisyal ng bansa, dumalo rin sa misa sa San Miguel Parish Church sa loob ng Malacañang compound si Executive Secretary Vic Rodriguez at iba pang miyembro ng Gabinete.

Ang misa ay pinangasiwaan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

Sa kanyang homily, hinimok ni Advincula ang dalawang pinakamataas na lider ng bansa na gayahin ang ugali ng Good Shepherd—ang listening leadership at ang life-giving leadership.

“As we meet in our offices and conference halls asking questions in our heads, may we be mindful of our people who ask questions in their empty stomachs…May we be leaders who listen to our people, especially the poor and marginalized,” sabi ni Advincula.

“Jesus Christ is also a life-giving shepherd, a life-giving leader. He desires his flock to gain abundance and fullness of life, and he does this by laying down his own life for his sheep. He came not to be served, but to serve,” sabi pa ng Archbishop.

Hinimok din Advincula ang publiko na suportahan ang mga bagong pinuno ng bansa.