PBBM Ipinatawag ni. Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang ilang Cabinet members para rebyuhin ang 2025 national budget

PBBM walang balak magkaroon ng reenacted budget sa 2025

Chona Yu Dec 23, 2024
49 Views

Walang balak si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magkaroon ng reenacted budget sa 2025.

Pahayag ito ni Presidential Communications Office Secretary Cesar Chavez sa gitna ng pagpapatawag ni Pangulong Marcos ng pulong sa mga Cabinet members para rebyuhin ang 2025 General Appropriations Bill (GAB) na aabot sa P6.352 trilyong.

Kabilang sa mga ipinatawag ni Pangulong Marcos sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan, at mga Economic Managers.

Ayon kay Chavez, noong Biyernes lamang Disyembre 20 lamang natanggap ng Palasyo ng Malakanyang ang printed copy ng budget.

Umaasa si Chavez na lalagdaan ni Pangulong Marcos ang budget bago matapos ang taon.

“In the two meetings I attended with them, there was no mention of that,” sagot ni Chavez sa tanong kung magkakaroon ng reenacted budget sa 2025.

Una nang sinabi ni Pangulong Marcos na hahanapan niya ng paraan na maibalik ang P10 bilyong tinapyas na pondo sa Department of Education.