Just In

Calendar

June 2026
M T W T F S S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  
Train

PCMB naglunsad ng CPR training sa NY

80 Views

Train1

NAGKAROON ng cardiopulmonary resuscitation (CPR) training noong Sabado ang Philippine Center Management Board (PCMB) sa Philippine Consulate General sa New York katuwang ang Philippine Nurses Association of New York, Inc. (PNA-NY).

Pinangunahan ng mga facilitator ang hands-on session na nakabatay sa mga pamantayan ng American Heart Association.

Isinagawa sa pagsasanay ang tamang teknik sa chest compression para sa mga nasa hustong gulang at mga sanggol.

Ang aktibidad ay bahagi ng patuloy na inisyatiba upang tiyakin ang kaligtasan at kahandaan ng mga kawani sa oras ng medical emergency sa kasanayan sa pagliligtas-buhay.

Inaasahang mas magiging kumpiyansa ang mga tauhan sa pagtugon habang naghihintay ng propesyonal na medikal na tulong.

Nagpasalamat si Consul General Senen Mangalile sa Nurses Association sa pagbabahagi ng oras para sa CPR training.