Calendar

Nation
PDEA itinanggi advisory laban sa isang milk tea product
Alfred Dalizon
Jun 11, 2023
296
Views
ITINANGGI ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na sa kanila nanggaling ang public advisory laban sa isang milk tea product na umano’y mayroong sangkap ng cannabis alkaloids o marijuana.
Ayon kay PDEA Director General Moro Virgilio Lazo ang kumakalat na litrato sa social media ng umano’y babala ay hindi nanggaling sa kanilang tanggapan.
Ang pirma umano ni Lazo ay kinuha sa isang dokumento kaugnay ng one-strike policy ng PDEA.
Ipinunto rin ni Lazo na ang PDEA ay hindi ang ahensya na sumusuri sa mga produktong pagkain at inumin.
Pagcor nag-ambag ng P12.67B sa kaban ng bayan
May 14, 2025
Insidente ngayong halalan bumaba ng 56% — PNP
May 14, 2025