Pacquiao nanguna sa senatorial survey ng SWS

104 Views

NANGUNA si Manny Pacquiao sa senatorial survey ng Social Weather Station (SWS).

Sa survey na isinagawa mula Abril 15-18, tinanong ang mga respondent kung sino ang pinakamalamang nyong iboto bilang senador. Ang survey ay kinomisyon ni dating Rep. Arnel Ty.

Nakakuha si Pacquiao ng 7 porsyento na sinundan ni Sen. Ramon Bong Revilla (6 porsyento), at dating Senate President Tito Sotto (5 porsyento).

Sumunod naman sina Sen. Bong Go, negosyanteng si Manny Villar na tabla sa 4-5 slot (4%) at sinundan nina Sen. Lito Lapid, Sen. Bato dela Rosa, at Sen. Imee Marcos na tabla sa 6-8 slot (3 porsyento).

Nasa 9-12 slot naman sina Rep. Erwin Tulfo, dating Pangulong Rodrigo Duterte, dating Sen. Ping Lacson, at Sen. Pia Cayetano (2%).