PH, Norway tinalakay mas matibay na ugnayan sa maritime, enerhiya

146 Views

TINALAKAY nina Senate President Sherwin Gatchalian at Sens. Juan Miguel Zubiri, Pia Cayetano at Erwin Tulfo sa mga mambabatas ng Norway ang mas malapit na kooperasyon sa maritime security, renewable energy at pagsasanay ng mga seafarer.

Nakausap ng 4 ang delegasyon ng Storting, ang parlamento ng Norway, sa Senado noong Nob. 19.

Inilarawan ng dalawang panig ang kooperasyon sa maritime bilang pundasyon ng relasyon ng Pilipinas at Norway.

Pinag-aralan din kung paano magagamit ng Pilipinas ang karanasan ng Norway sa hydropower para mapalakas ang kooperasyon sa renewable energy.

Binuksan naman ng Pilipinas ang posibilidad ng mas malapit na ugnayan ng coast guard ng dalawang bansa.

Ikinuwento ng mga taga-Norway ang kanilang pagbisita sa Batangas, kung saan nasaksihan nila ang pagsasanay ng mga Pilipinong seafarer cadet at ang operasyon ng offshore energy.

Pinangunahan ang delegasyon ni Tellef Inge Mørland, chair ng delegasyon ng Norway sa Asia-Europe Parliamentary Partnership (ASEP) kasama si Norwegian Ambassador to the Philippines Kristian Netland.

Ginanap ang pulong sa sidelines ng 47th General Assembly ng ASEAN Inter-Parliamentary Assembly (AIPA), kung saan permanent observer ang Norway.