DOH

Pinakamababang bilang ng arawang kaso ng COVID-19 naitala

113 Views

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 89 bagong kaso ng COVID-19 noong Martes, Enero 31.

Ito ang pinakamababang bilang ng mga naitalang arawang kaso mula noong Abril 2020. Sumunod ito sa 76 kaso na naitala noong Abril 4, 2020.

Batay sa datos ng DOH, nasa 9,632 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ang kabuuang bilang ng mga naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa ay 4,073,203. Sa bilang na ito, 65,779 ang nasawi.